Para sa bride-to-be, bago pa ‘yan. Exciting, minsan surreal. Nahuhuli mo pa sarili mong tinititigan, iniikot-ikot, iniisip kung totoo ba talaga. Kasi eto na ‘yun—panghabambuhay.Para sa bagong kasal, that same ring now feels familiar. Hindi mo na lang siya suot—buhay mo na siya. Nasa tabi mo siya sa tahimik na umaga, sa mga araw na puno ng tawanan, at sa mga oras na mas lumalalim ang pagmamahal.Pero higit sa alahas, ito ay pangako—isang araw-araw na pagpili sa isa’t isa. Hindi lang sa masasayang moments, kundi pati sa mga pagsubok.